Humigit kumulang 10 suspek ang tinitingnan ngayon ng Philippine National Police (PNP) na nasa likod ng tangkang pagpatay kay dating Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., sa lungsod ng San Carlos

Inihayag ni PCol. Redrico Maranan, Provincial Director ng Pangasinan, tiniyatang nasa 10 gunmen ang nang-ambush sa convoy ni Espino. Hindi naman nito inaalis ang posibilidad na mga gun for hire ang nanambang kay Espino.

Sa ngayon ay hindi pa aniya tukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito pero patuloy ang ginagawa nilang sketching sa mga suspek at pagkuha ng mga CCTV footage sa lugar.

--Ads--

Matatandaan na ipinag-utos ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde ang mabilis at malalimang imbestigasyon sa kaso upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. Sa ganitong paraan aniya ay mabibigyan ng hustisya ang tangkay pagpatay sa dating mambabatas.

Si Espino ay kabilang PMA Class 1972. Nagretiro sa serbisyo sa PNP bilang Regional Director ng PRO 1 bago naging Congressman at Gobernardor ng lalawigan ng Pangasinan. (with reports from Bombo Mariane Esmeralda)