Nilinaw ng PNP San Carlos, na isa lang ang nasawi sa mga bodyguard ni dating Pangasinan 5th District Cong. Amado Espino Jr., matapos itong tambangan sa lungsod ng San Carlos.
Sa paglilinaw ng PNP San Carlos sa pamamagitan ng kanilang hepe na si Lt/Col Garie Noel Pascua, isa palamang ang nasawi na natukoy na isang Esguerra, taliwas sa unang lumabas na limang na ang nasawi.
█ DATING CONG. AMADO ESPINO JR., INAMBUSH
█ Espino Ambush: Command Conference ng PNP, isinagsawa na
█ Dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., nasa stable ng kalagayan matapos i-ambush ang convoy nito
▶AMBUSH UPDATE REPORT 4: Command Conference ng PNP, isinagsawa na
Sinasabing ito ang siyang nagtamo ng pinakamalubhang pinsala at driver din ng sasasakyang innova sa convoy.
Nabatid na si Espino ay lulan ng sasakyan nitong land cruiser ng mangyari ang insidente
Nakilala naman ang isa sa mga ito na si Aga Cuison, ang driver na nakapagtakbo sa dating Kongresista sa pagamutan na ngayon ay nasa kritikal paring kondisyon.
Kabilang ito sa apat na bodyguard ng dating Gobernador na patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan. Matatandaang hindi gaanong nagtamo ng malubhang pinsala si Espino matapos itong yakapin ng kaniyang mga bodyguard.
Samantala, lulan ng dawalang suv ang mga suspek na magkahiwalay na tumakas matapos ang insidente sa bayan ng Basista at Malasiqui.
Isang SUV na kulay red naman ang inabandona sa karating na barangay partikular sa Brgy. Kubol, San Carlos na tadtad ng bala ng baril at mga gloves habang ang isa sa mga sasakyang ginamit ng suspek ay hindi parin natatagpuan. (with reports from Bombo Badz Agtalao and Cherryl Ann Cabrera)