Tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang convoy ni dating Pangasinan Governor at ngayoy Fifth District Congressman Amado Espino Jr sa lungsod ng San Carlos nitong hapon lamang
█ Dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., nasa stable ng kalagayan matapos i-ambush ang convoy nito
█ PNP San Carlos, nilinaw na isa palamang ang patay sa mga bodyguard ni dating Cong. Espino
█ Espino Ambush: Command Conference ng PNP, isinagsawa na
Sa inisyal na ulat na nakalap ng bombo Radyo Dagupan,sakay ng naturang Convoy si Cong. Espino na sinasabing nagawa pang maitakbo sa pagamutan ng driver nito.
Isa sa mga bodyguard nito ang agad na binawian ng buhay sa insidente habang ang iba pa ay ginagamot sa pagamutan.
Tadtad ng bala ang sasakyan ni Espino simula harap at likod. Tumagal ng halos 10 minuto ang putukan. (with reports from Bombo Badz Agtalao and Cherryl Ann Cabrera)