Kasama ang Pangasinan PNP sa mga nagsasagawa ng checkpoints sa mga quarantine area o entry points para siguraduhing hindi makakapasok ang mga infected na karne ng baboy dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Provincial Director of PNP – Col. Redrico Maranan, mula sa walong bilang ay labing isa na ang checkpoint na nakatayo ngayon lalo na sa TPLEX, sa may bayan ng Pozorrubio at Urdaneta.
Sa kanilang tala, umaabot na sa 18 truck na pumasok dito ang kanilang nasabat o napigilang makapasok sa lalawigan habang nasa 300 hanggang 400 na baboy ang naharang at naibalik sa point of origin.
Maliban sa mga checkpoint, may coordination din ang kapulisan saa sa Maritime unit upang mabantayan ang mga karagatan na maaring daanan sa pagpuslit ng mga karne ng baboy.