DAGUPAN CITY–Tiniyak ni Dr. George Bacani Jr. Senior Meat Control Officer ng National Meat Inspection Service Region o NMIS Region 1 na mahigpit ang ginagawang pagmomonitor sa mga hayop na dinadala sa mga slaughter house bago ito katayin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Bacani na hinahanapan ng mga kaukulang dokumento ang mga dinadalang hayop palabas at papasok sa lalawigan.

Kabilang sa mga dokumentong ito ay ang shipping permit ,Certificate of ownership at certificate of transfer at Meat inspection certificate bilang sertipikasyon na ang hayop ay dumaan sa affiliated slaughter house at pagsusuri.

--Ads--

Ito ay upang masiguro na ligtas ang mga karne laban sa african swine fever na sakit ng baboy.