DAGUPAN CITY– Humiling ng tulong ang pamilya ng 30-anyos na Pinoy migrant worker na nasawi matapos nalunod sa isang beach sa Tainan City, Taiwan.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo kay Gng. Shela Bravo, residente ng bayan ng Bayambang at ina ng biktima na si Renz, nais nilang mapabilis ang pag uwi sabansa ng kanyang anak.

Aniya, medyo nababagalan sila sa takbo ng pagproseso ng mga dokumentong kailangan para sa pagpapauwi sa mga labi ng biktima.

--Ads--

Nabatid na si Renz ay nagtratrabaho bilang machine operator sa factory ng mga spare parts ng mga kotse sa Taiwan.

Ang pagpunta umano sa dagat ay bahagi umano ng gawain sa kanilang simbahan bilang bahagi ng paglilingkod sa Diyos.

Matatandaan na kaagad na nagresponde ang Tainan City Government matapos makatanggap ng report na mayroong nalulunod na grupo ng mga migrant workers sa isang sikat na scenic spot na Sunset Platform sa Anping District.

Dinala pa sa Kuo General Hospital ang biktima ngunit hindi rin ito naisalba at idineklarang patay ng doktor.