Maaring dumulog sa korte upang kuwestyunin ang pagbabalik sa kulungan ng mga prisong napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law.
Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, kilalang constitutional lawyer dito sa lalawigan ng Pangasinan , napalaya sila sa ilalim ng GCTA law kaya puwede nilang ikuwestyon sa korte kung ninanais nila basta may valid reason.
Ang problema, paano na ang mga lumayang bilanggo na nasa ibang bansa na.
Matatandaan na pinababalik ang mga bilanggo sa Bureau of Corrections (BuCor) para sa re-computation ng kanilang GCTA.
Ayon sa datos ng DOJ, mula 2014 ay nasa 1,914 na convicts ng karumal-dumal na mga krimen ang napalaya sa ilalim ng GCTA law.
Kapag hindi sumuko ang mga ito sa loob ng deadline na ibinigay ng pangulo ay ituturing na sila ng otoridad na mga pugante.