DAGUPAN CITY– Hinikayat ng isa sa mga 12 Bombo Music Festival (BMF) 2020 ang mga gumagawa ng kanta na ibahagi nila ang kanilang talent.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Winset Rose Jacot ng Cagayan De Oro, at composer ng awiting ‘Kung mahal mo siya’, Ppinayuhan nia ang mga gumagawa ng kanta na ibahagi ng mga ito ang mga awiting kanilang nilikha.

Aniya, simula kasi noong high school palamang ito ay gumagawa na ito ng awitin subalit kamakailan lamang ng sinubukang sumali sa mga kompetisyon.

--Ads--

Samantala, ang kaniyang awiting ‘Kung mahal mo siya’, ay nagpapa-alala naman sa mga taong nagmamahal na ang minamahal ay may mahal ng iba, na palayain ang mga ito lalo at ang pag-ibig aniya ay hindi makasarili.

Winset Rose Jacot

Kung maaalala, nakapasok din sa finals ng nakaraang BMF ang komposisyon nito na ‘Pagod na akong makihati’.