Muling nakaramdam ng pagkalungkot at pagka dismaya ang grupong True Colors Coalition bunsod ng naging desisyon ng Supreme Court kaugnay sa hirit na magkaroon ng same sex marriage sa bansa.
Nabatid mula kay True Colors Coalition Spokesperson Jhay De Jesus, ang pagbasura ng katataas taasang korte sa usaping ito ay maikukunsidera bilang muling pag atras sa usapin ng pagkilala sana sa mga lehitimong karapatan ng LGBT Community.
Matagal ng panahon na hindi napag uusapan ang bagay na ito at tanging hiling lamang anila na ito’y matalakay at mabigyan ng klaripikasyon at hindi lamang sasapat ang pagsasabi ng ating estado na kanilang iginagalang at kinikilala ang karapatan ng mga indibidwal na kabilang sa LGBT Community.
Giit ni De Jesus, napapanahon na upang patunayan ng ating gobyerno ang pagtanggap at pagkilala sa kanilang mga karapatan bilang bahagi ng ating lipunan.
Walaring nakikita ang grupon na negatibong epekto sa ating lipunan sakaling mapahintulutan ang same sex marriage sa bansa.