Tinawag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na kamatayan sa mga magsasaka at kamatayan sa industriya ng bigas ang hatid ng RA 11203 o Rice trade liberalization law.
Ayon kay Danilo Ramos, pangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, bagsak ang presyo ng palay sa ibat ibang bahagi ng bansa mula ng maisabatas ang Rice trade liberalization law.
Binibigyang-daan ng batas na ito ang ganap na liberalisayon o pag-aalis ng limitasyon sa pag-aangkat ng bigas.
Sinabi ni Ramos na hindi lang ito simpleng rice tarrification dahil sa ilalim ng batas ay hindi na mamimili ang NFA ng palay sa mga magsasaka, at hindi na mag-aangkat ng imported na bigas maliban sa 60,000 metric tons ng bigas.
Inig sahibin ang puwede lang mag angkat ay mga malalaking negosyante lalo na kung may koneksyon sa Malakanyang.
Umaabot aniya sa 10 million household ang bumibili ng NFA rice o katumbas ng 50 million ang pinagkaitan umano ng mababang presyo ng bigas.