Bumuo na ng special investigation task force ang PNP Pangasinan upang mapabilis ang pagresolba sa kasong pagpatay kay municipal copuncilor Virgilio Calizo Jr. sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan  kay Provincial Director Police col. Redrico Maranan, sinabi nito na ginagawa na ang kapulisan ang mga investigative technique para mapadali ang pagresolba sa nasabing kaso.

Sa kasalukuyan ay mayroon  na silang  person of interest at mayroon na ring lead ang pulisya sa nasabing kaso.       

--Ads--

Samantala, nanawagan  ng kooperasyon si Maranan sa publiko na ireport agad ang mga kaganapan sa kanilang  lugar upang mabilis nila itong maaksyunan.

Matatandaan habang nakatigil ang sinasakyang van ng biktima at nag-aantay sa kaniyang asawa na bumibili ng tubig nang malapitang barilin ito ng di pa nakikilalang suspek sa barangay Imelda sa bayan ng Jacinto.

Tama sa kaliwang ulo ang tinamo ng biktima na tumagos pa sa kanang bahagi nito na dahilan ng agaran niyang pagkamatay.