Nakakaranas pa rin hanggang sa ngayon ang walong barangay sa bayan ng Sta Barbara at Calasiao Pangasinan ng pagbaha dahil na rin sa mga pag-ulang dala ng bagyong Ineng na posible pang magtagal dahil na rin sa mga pag-ulan na dulot naman ng bagyong Jenny.

Naitala ang pinakamataas na lebel ng tubig baha sa Brgy Talibaew na umaabot ng 6.2 feet.

Kabilang pa sa mga nakakaranas ng pagbaha ang Brgy Sonquil at Dalongue sa bayan ng Santa Barbara at Barangay Nalsian, Lumbang, Longos, Buenlag, at Lasip sa bayan naman ng Calasiao.

--Ads--

Bagamat wala pang inililikas sa mga residente dahil nasanay na umano ang mga ito sa baha ay nakamonitor pa rin ang mga kinauukulang ahensiya sakaling kailangang ipatupad ang preemptive evacuation.