Bahagyang bumaba ang suplay ng Bangus dito sa lungsod ng Dagupan.

Ito ang nabatid mula kay City Agricultural Technologist Rolly Dulay, sa panayam ng Bombo Radyo.

Bagamat, nilinaw nito na napupunan naman ang pagkukulang na ito dahil sa dumarating na suplay mula sa karatig bayan.

--Ads--

Dahil dito aniya ay wala silang nakikita sa kanilang monitoring na pagtaas ng presyo ng bangus.

Subalit taliwas ito sa monitoring ng Bombo Radyo Dagupan, dahil bahagyang tumaas ang presyo ng bangus ng P10 hanggang P20.