Inaasahang dadagsa ang daan-daang libong deboto sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Birheng Maria sa September 8 sa Minor Basilica ng Our Lady of Manaoag.
Sa kabila ng banta sa seguridad ay nananatiling nasa 200,000 na deboto ang pumupunta sa Minor Basilica sa loob ng isang linggo .
Samantala, nananatiling nakaalerto ang mga security forces at may mga dog sniffing dogs sa loob ng simbahan. Naglagay na rin ng CCTV sa lugar.
--Ads--
Sa ngayon ay bukas na ang lahat ng entry at exit point sa minor Basilica pero hindi na pinapayagang pumasok ang mga sasakyan sa harap ng simbahan.
Samantala,nanawagan naman ang pamunuan ng simbahan sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon dahil hindi ito nakakatulong sa komunidad.