Lampas na sa  critical level  ang Marusay River sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.

Base sa Flood water monitoring system  ng Marusay river,  naitala kahapon sa 8.3 feet  ang water level ng ilog,  ito ay lampas sa critical level na 7 feet above  normal level.

Dahil dito, ilang bahagi  ng anim na barangay sa bayan ang lubog sa baha kabilang dito ang barangay Talibaew,Longos, Nalsian, Lasip , Buenlag at Malabago.

--Ads--

Sa  oras  na umabot  sa  10 feet ang Marusay river ay posibleng bahain na rin ang ibang  barangay dahil sa inaasahang pag apaw bng ilog.