Mga karanasan sa buhay bilang isang teenager ang naging inspirasyon ng isa sa mga semifinalist sa Bombo Music festival para lumikha ng kaniyang entry at sumali sa naturang Song writing Competition.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Margareth Jimenez, 19 anyos, tubong Maniboc Lingayen Pangasinan at may likha ng awiting “Mr. Yoso” na noong una sa mga singing competition muna siya sumasali.
Ngunit dahil na rin sa pagkahilig niya sa kanta, maging ang pagsusulat nito ay kaniya na ring sinubukan hanggang sa unti unti na niya itong magustuhan.
Kadalasang tema aniya ng kaniyang mga awitin ay mga karanasan nito bilang isang kabataan.
Maliban sa pag-awit at pagcompose ng mga awitin ay tumutugtog din ito ng mga instrumento tulad ng guitara.
Si Jimenez ay kabilang sa first batch ng 120 semi finalist mula sa bawat rehiyon na siya namang sasailalim sa final screening ng National Screening Committee upang piliin ang 12 finalist ng Bombo Music festival 2020.