DAGUPAN CITY– Bumaba ng halos dalawampung porsyento ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng paglaganap ng sakit na dengue at pagkakadeklara ng national dengue epedimic sa bansa.
Base sa tala ng Pangasinan Provincial Health Office, mula sa dating 4,536 reported dengue cases mula Enero hanggang Agosto ng nakaraang taon ay nasa 3,122 na lamang ito sa parehong panahon ngayong taon.
Kaugnay nito ay pinaigting ang kampanya sa mga barangay sa komunidad at sa mga paaralan.
--Ads--
Sa kabila ng pagbaba ng kaso, patuloy parin ang pagsasagawa ng mga health authorities ng iba’t-ibang programa para maibsan ang paglobo ng bilang ng dengue cases.