Bukas ang Parent Teachers Association sa draft ordinance ni city councilor Joey Tamayo hinggil sa paggamit ng long sleeves at long pants ng mga mag-aaral dito sa lungsod ng Dagupan para makaiwas sa sakit na dengue.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay Liway Manantan-Yparraguirre, PTA federation president dito sa lungsod ng Dagupan, sinabi nito na kailangan na marinig ng direkta ng mga magulang ang nilalaman ng panukala at upang masagot din ang anumang katanungan.
Hiniling niya na magkaroon muli ng public hearing at imbitahan din sa pagkakataong ito, ang mga magulang para maiderek nila ang kanilang mga tanong sa nasabing usapin.
Una ng inimbitahan si Yparraguirre sa unang committee hearing hinggil sa isyu pero hindi siya nakapunta dahil sa dami ng kanyang aktibidad.