Nanindigan ang Pangasinan Police Provincial Office o PPPO na wala ni isa sa kanilang mga tauhan ang tumatanggap ng regalo kahit pa may mga nag aalok nito.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Col. Redrico Maranan, provincial director ng Pangasinan PPO nakakasiguro umano siya na sumusunod sa batas ang kanilang mga kapulisan.
Ginagawa din aniya nila ang kanilang trabaho ng malinis at walang inaantay na kapalit.
Dagdag pa niya, mahigit na umiiral sa kanilang tanggapan ang batas ng CSC o Civil Service Commission na pagbabawal tumanggap ng kahit na ano pang bagay o materyal mula sa mga nagmamagandang loob.
Malinaw at naiintindihan din umano nila ang mga mekanismong nakapaloob sa R.A Act 6713 o ang Code of conduct para sa PNP o Philippine National Police.
Matatandaan na binigyan ng go signal ni Pangulong Duterte ang mga opisyal at miyembro Philippine National Police (PNP) na tumanggap ng regalo na kusang loob na ibinibigay sa kanila.
Sinabi ng Pangulo na hindi maituturing na bribery ang pagtanggap ng regalo dahil pinapayagan naman ito sa batas.