Takot ang nangibabaw kaya hindi agad nakapagsumbong ang 16 anyos na dalaga na biktima ng panggahasa mula sa barangay Pantal dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa salaysay ng biktima, paulit ulit siyang ginahasa ng lalaking nakilala niya sa kanilang barangay.

Abril pa umano nang magsimula siyang halayin ng suspek.

--Ads--

Huli siyang ginahasa noong buwan ng Hulyo.

Hindi umano agad nakapagsumbong ang biktima dahil pinagbantaan siya ng suspek na papatayin.

Kuwento ng ina ng dalaga, napansin na lang nilang lumalaki ang tiyan ng anak at saka umamin ang anak na siya ay tatlong buwang buntis bunga ng panggagahasa ng suspek.

Nakatakdang magsampa ng pormal na reklamo ang mag anak sa himpilan ng pulisya.

Sa tala ng Women and Children Protection desk ng Dagupan City PNP, umaabot na sa 15 ang kaso ng panggagahasa na naitala sa lungsod ngayong taon.