Hinikayat ng Police Regional office 1, na huwag i-ugnay ang mga kapatid nating Muslim sa mga Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Una rito, kumalat sa social media ang isang alert memorandum kung saan nakasaad na may banta ng pag-atake sa mga lungsod ng Laoag, Vigan at Tuguegarao habang dito sa lalawigan ng Pangasinan ay sa bayan ng Manaoag.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag nito na Police Lt/Col Mary Crystal Peralta, tagapagsalita ng PNP Region 1, katulad ng mga Kristyano, kapwa katahimikan din ang nais ng mga Muslim.
Giit nito na wala sa Kuran na siyang sinusunod ng mga kababayan natin ang paghahasik ng karahasan.
Paliwanag pa ni Peralta, hindi paniniwala bagkus ay pagkatao ng mga terorista ang nagtutulak sa kanilang upang maghasik ng karahasan at katatakutan sa publiko.
Sa katunayan aniya, ay taos-pusong nakiikiisa ang mga ito sa progama ng kapulisan dahil narin sa nais ng mga ito manirahan sa rehiyon ng tahimik.