Nasa anim (6) na batches na ng mga drug surrenderees dito sa lalawigan ng Pangasinan ang nakatapos na ng integrated reformation program ng gobyerno.
Ayon kay Carlos Resurrection, ang Executive Officer ng Provincial Anti-Drug Abuse Council PADAC-Pangasinan, sa tulong ng mga religious group at NGO, pormal ng nakapagtapos sa reformation activity ang ilang mga sumukong indibidwal.
Paliwanag naman ng opisyal, bago aniya sumailalaim ang mga ito sa iba’t ibang pagsasanay, ay dumadaan muna sila sa reformation. Kabilang naman aniya sa pagbabagong ito ang pagturo sa kanila ng iba’t ibang livelihood skills at iba pang mga kasanayan tulad ng first aid and rescue skills.
Tatanggap daw ayon kay Ressurection, ng ayuda mula sa DSWD ang mga drug surrenderees kung kakikitaan ang mga ito ng tunay na pagbabago.