Pumalo sa higit P134,000 ang inisyal na pinasalang iniwan sa sektor ng agrikultura nang pananalasa ng ipo-ipo sa dalawang barangay sa Magalang, Pampanga.


Sa nagpapatuloy na assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Pampanga, base sa report ni Municipal Agriculturist Milagros Swing, lumalabas na nasa Php134,184.80, ang pinasalang naidulot ng ipo-ipo sa mga pananim doon habang nilinaw naman nitong walang naapektuhan sa livestock industry.


Batay sa latest na impormasyong ipinarating ng PDRRMC Pampanga sa Bombo Radyo Dagupan, nadagdagan din ng isa ang bilang ng mga nasugatan, sa insidente kung kung saan natukoy na mayroon pang isang Camille Mendoza mula sa Brgy. San Nicolas 2 ang nagtamo ng sugat dahil sa naturang kalamidad bukod sa naunang anim na katao na nasugtan at isang lola na inatake ng altapresyon matapos na masira ang tahanan nito.

--Ads--


Bukod dito ay nadagdagan din ang bilang ng mga nasirang tahanan at gusali.
Sa ngayon nagpapatuloy parin ang assessment ng ahensya sa halaga ng pinsalang iniwan ng ipo-ipo sa panig ng imprastraktura.


Kinumpirma naman ng PDRRMC Pampanga na nabigyan na ng Initial emergency relief food packs ang mga pamilyang naapektuhan ng ipo-ipo. (MJKPO)