Inihayag ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan na may mga nahuhuli na silang tricycle driver na sobra ang paniningil ng pamasahe o over charging.

Ayon kay POSO Dagupan Chief Rob Mejia, sa nakalipas na dalawang linggo ay may mga tricyle driver na silang nahuhuli at nabibigyan ng karampatang multa.

Hinihikayat naman nila ang mga nabibiktima ng overcharging na magsumbong sa kanilang tanggapan.

--Ads--

Ayon kay Mejia, kapag nabiktima ng over charging ay dapat magreport kaagad sa pinakamalapit na traffic enforcers o kaya’y dumulog na lamang sa kanilang tanggapan para agad din nilang maaksyunan.

voice of POSO Chief Rob Mejia

Dagdag pa nito, tututukan nila ang nasabing isyu lalo na’t napapansin nilang dumarami ang mga tricycle driver na over charging.

voice of POSO Chief Rob Mejia

Samantala, aminado ang opisyal na nasa 30 to 40% pa ang bilang ng mga kolorum na tricyle na pumapasada dito sa lungsod ng Dagupan. Ngunit, pag-aaralan naman na nila kung paano mababawasan ang mga ito at magsasagawa rin sila ng mga operasyon upang matugunan ang nasabing problema. with reports from Bombo Marianne Esmeralda