Ikinatuwa ng Department of Interior and Local Government o DILG ang pagpabor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapaliban ng nakatakdang barangay at sangguniang kabataan elections sa susunod na taon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na magandang balita ito para sa mga matitinong barangay officials ngunit binantaan naman nito ang mga opisyal na may mga ginagawang katiwalian.
Mas hahaba na kasi aniya ang kanilang panahon para maipakulong ang mga kapitan na naglulustay ng pondo ng barangay.
Ayon pa kay Diño, may paglalagyan din ang mga tauhan ng DILG na kasabwat ng mga mandurugas na opisyal ng barangay.
Matatandaan na sa kaniyang ikaapat SONA, hinikayat ng Pangulo ang mababang kapulungan ng kongreso na ipagpaliban ang naturang eleksyon sa taong 2022 sa halip na sa susunod na taon. Ito aniya ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga baranggay at sk officials na mapatupad ang kani-kanilang proyekto. with reports from Bombo Badz Agtalao