Inihayag ng Provincial Health Office na patuloy na bumababa ang malnutrition rate dito sa buong lalawigan ng Pangaisnan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Anna Marie De Guzman, nakapagtala sila noong 2018 ng 1.81% na malnutrition rate habang ngayong taon ay nasa 1.5% na lamang ito.

Ngunit sa kabila aniya nito ay binabantayan pa rin nila ang mga bayan dito sa probinsiya na patuloy na nakapagtatala ng mataas na kaso ng malnutrisyon na kinabibilangan ng mga bayan ng Sto. Tomas, Mapandan, Asingan, Sual, Manaoag, Labrador at Bayambang.

--Ads--
voice of Dra. Anna Marie De Guzman

Samantala, sinabi ng opisyal na noong nakaraang buwan ay tumanggap ang Provincial government ng P34 million mula sa National Nutrition Council para matugunan ang problema sa malnutrisyon ng mga bayan dito sa lalawigan. with reports from Bombo Badz Agtalao