Kinumpirma ng National Police Commission o NAPOLCOM na dumami ang bilang ng kaso ng mga pulis sa bansa na nambababae simula nang tumaas ang sweldo ng mga ito.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Allan Ancheta, Provincial Director ng NaPolCom Pangasinan, sinabi nito na nasa 40% ng kapulisan sa buong bansa ang napag-alaman nilang nambababae at bigong mabigyan ng sustento ang kanilang anak.
Ayon kay Ancheta, bihira at mangilan ngilan lamang dito sa rehiyon uno ang mga ganitong reklamo at naipadala naman na nila sa kanilang Central Office ang mga kaso para desisyunan.
Kabilang aniya sa mga kaso na kanilang natatanggap ay mga pulis na hindi nagbibigay ng suporta sa anak, pulis na nananakit ng asawa at mga nambababae.
Karamihan naman aniya sa mga pulis na nambabae ay ang mga nadedestino sa malalayong lugar. with reports from Bombo Badz Agtalao