DAGUPAN CITY—Nanindigan ang Provincial Employment Services Office o PESO Pangasinan na hindi sila nagkakaroon ng recruitment ng anumang trabaho sa Middle East.

Ayon kay Alex Ferrer, PESO Manager dito sa lalawigan, mahigpit umano nilang ipinagbabawal sa kanilang tanggapan ang pagrerecruit ng mga manggagawang Pangasinense patungong Middle East lalo na’t ito umano ang lugar kung saan nangunguna at may maraming naitatalang insidente ng pang-aabuso sa ilang OFWs.

Ayon pa sa opisyal, bago umano magsagawa ng malawakang jobfair, sinisiguro ng kanilang tanggapan na legal at lisensyado ang mga kompanyang naghahanap ng kanilang mga magiging empleyado.

--Ads--

Sinisilip aniya nila ang track record ng mga ito upang maprotektahan ang mga manggagawang Pangasinense pati na ang kaligtasan ng mga ito.