Tila nirecycle lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang naging talumpati sa ika-apat na State of the Nation Address o SONA kahapon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, sinabi nito na walang bago sa mga sinabi ni Duterte sa kanyang SONA at dinagdagdan lamang niya ng mga usapin patungkol sa West Philippine Sea.

Ngunit kung susuriin din naman aniya ay nabanggit na ni Duterte sa kanyang mga nakaraang talumpati ang posisyon nito sa pinag-aagawang terirtoryo.

--Ads--

Napansin din ni Zarate na nakalimutan o sadyang hindi binanggit ng Pangulo ang usapin hinggil sa Charter Change o pagbabago ng Saligang Batas. Naniniwala si Zarate na isa ito sa pangunahing itutulak ng administrasyong Duterte sa Kongreso sa naiiwan nitong tatlong taon lalo na’t ang inihalal na bagong House Speaker ay si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.