Naging matagumpay ang kauna unahang Media Fellowship Night na ginanap sa Pangasinan Police Provincial Office sa bayan ng Lingayen kahapon, Hulyo 22.

Kasama ng mga kapulisan, nagtipon tipon ang lahat ng mga miyembro ng media dito sa buong probinsya ng Pangasinan.

Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng PNP kung saan may layunin itong mapabuti pa ang magandang samahan ng mga kapulisan at mamamahayag at bilang bahagi na rin ng pina-iigting na community relations ng PNP.

--Ads--

Bukod sa mga hepe mula sa iba’t ibang bayan dito sa lalawigan, dumalo rin sa nasabing pagdiriang sina Provincial Director Police Col. Redrico A. Maranan at Police Brigadier General Joel S. Orduña ang PNP Regional Director sa Rehiyon Uno.

Isang simpleng salo salo ang inihanda para sa mga media entity at nagkaroon rin ng ilang mga kasiyahan tulad na lamang ng pa-raffle.

Layunin naman ng nasabing pagdiriwang ang pagkakaisa ng mga mamamahayag tungo sa kanilang mas magandang serbisyo publiko.

Sa huli, nagpasalamat si Provincial Director Police Col. Maranan sa kahalagahan ng media lalo na sa paghahatid ng mensahe ng kapayapaan sa mga komunidad, pati na ang ipinapakita nitong pakikiisa sa hanay ng pulisya. with report from Bombo Cheryl Ann Cabrera