Patay ang isang dating barangay chairman matapos na pagbabarilin ng mga hindi kilalang mga suspek sa barangay Ventinilla sa bayan ng Santa Barbara, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Jose Aquino, 50 anyos, negosyante at dating barangay chairman sa lugar.
Base sa imbesigasyon, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang huminto sa harap ng video bar na pag-aari ng biktima at kausap pa niya ang mga ito hanggang sa ito ay pagpaparilin.
Tatlong tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ang kumitil sa kanyang buhay.
Pinaniniwalaan ng mga kaanak na posibleng may kaugnayan sa pulitika ang krimen.
Hindi rin inaalis ng pulisya ang anggulong may nakaaway ang biktima.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring
pagpaslang.