Nakataas na sa ‘blue alert status’ ang lahat ng sangay ng Provincial at Local Disaster Risk Reduction and Management Council sa buong Rehiyon Uno.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng Bagyong Falcon na ngayon ay nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Office of the Civil Defense o OCD Region 1 Information Officer Mike Sabado, maaga na umanong inabisuhan ng kanilang tanggapapan ang lahat ng PDRRMO at CDRRMO na sumasakop sa mga probinsya at syudad sa Rehiyon.

--Ads--

Aniya, napaalalahanan na ang mga ito na paigting ang pagbabantay sa kanilang mga ‘area of responsibility’ lalo na ang mga lugar na nasa ilalim ng landslide at flash flood prone areas .

Bagama’t walang deriktang epekto ang bagyo sa Rehiyon Uno, inihayag ni Sabado na mas mainam pa rin umano ang laging handa sa lahat ng oras.

Pinayuhan din nito ang mga nabanggit na tanggapan na agad ilatag ang kanilang mga command post lalo na sa oras ng pangangailangan upang maiwasan umano ang pagkakaroon o pagkakatala ng anumang casualty. Interview of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program