Isang empleyado ng gobyerno na umanoy tulak ng droga ang inaresto  ng Philippine Drug Enfocerment agency o PDEA sa barangay Pantal dito sa lungsod ng Dagupan.

Hindi na pinangalanan ng PDEA ang suspek, na residente ng Manaoag at newly identified drug personality.

Isang pakete ng hinihinalang shabu ang nabili sa suspek gamit ang P7,500 mark money.

--Ads--

Nabawi rin sa suspek ang isang cellphone  na gamit sa  transaction at maging ang sasakyan na ginagamit sa pagdeliber ng items.

Patuloy ang imbestigasyon ng PDEA upang matukoy ang supplier at sinu sinu ang mga kasama ng suspek