Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Integrated Fisheries Technology Development Center o BFAR-NIFTDC na walang nakataas na red tide alert dito sa buong probinsya ng Pangasinan.
Ito mismo ang kinompirma ni BFAR Center Chief Dir. Westly Rosario, sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.
Aniya, batay sa pinaka-huling bulletin na inilabas ng naturang tanggapan, ay wala umanong red tide toxin dito sa lalawigan. Ayon pa kay Rosario, malayo sa posibilidad na na magkaroon ng kaso nito dito sa Pangasian dahil ang red tide problem ay karaniwa umanong tumatama sa Tagbilaran, Davao, Samar, Bohol, at Surigao Del Sur sa parteng Northern Mindanao.
Dahil dito, tiniyak ng BFAR na walang dapat ikabahala ang publiko sa pagkuha, pag-harvest, pagtransport, pagbebenta, at pagkain ng mga shellfish kabilang na ang tahon dahil nanatiling red tide free ang Pangasinan. with report from Bombo Lyme Perez