Bahagyang bumaba ang porsiyento ng rape cases dito sa probinsiya ng Pangasinan ngayong 1st semester ng taong kasalukuyan.
Ayon kay PLt./Col. Norman Florentino, Chief of Police Community Relation Branch ng Pangasinan PPO, bumaba ng 11.83% ang rase case dito sa lalawigan dahil batay sa kanilang datos mula buwan ng Enero hanggang katapusan ng Hunyo noong 2018, 169 case ang kanilang naitala kumpara ngayong taon sa kaparehong panahon kung saan umabot ito ng 149 na kaso.
Bagama’t bumaba aniya lahat ng focused crime under index crime kabilang na ang rape case ay binigyan pa rin ng mandato ang hanay ng Women and Children Protection Desk o WCPD Personnel at PCR na magsagawa ng mga lectures at dialogues sa publiko lalo na sa mga magulang.
Kasabay ito ng maigting na koordinasyon sa tanggapan ng DSWD na isabay sa ginagawang pagpupulong ng mga 4P’s members ang usaping may kinalaman sa naturang kaso.
Ayon pa sa opisyal, patuloy ang kanilang isinasagawang lectures at forums sa mga eskwelahan upang mabigyan din ng sapat na kaalaman ang mga estudyante kung ano ang mga nararapat nilang gawin sakali mang makaranas sila ng kahalintulad na sitwasyon. with reports from Bombo Lyme Perez