Hinimok ngayon ng Agno Pnp ang kanilang mga Brgy Officials na palakasin pa ang pagpapatupad ng kani-kanilang mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan Police Captain Froilan Frias hepe ng Pnp Agno, bukod sa mga proyekto, isa rin umano sa dapat tutukan at bantayan ngayon ng mga opisyales ng baranggay– ang mga iligal na aktibidad na posibleng nagaganap sa kanilang nasasakupan.
Sa pamamagitan ng BADAC ay bubuo ng programa at polisiya ang kada barangay upang sama samang puksain ang paglaganap ng bawal na gamot.
Samantala, ang enhancement program ng BADAC ay may layuning mabigyan ng sapat na kaalaman tungkol sa kumposisyon, tungkulin, at responsibilidad ang mga opisyal ng barangay ukol sa gagampanan nila sa usaping drug abuse, tungo sa ikaaayos ng kani-kanilang komunidad. Nasa mga barangay ang “first line of defense” kaya ang mga pamunuan nito ang dapat manguna sa pagsugpo ng pag-abuso sa bawal na gamot.