DAGUPAN CITY– Nakakatanggap umano ng death threat ang tricycle driver na pinagbabaril habang natutulog sa kaniyang tricycle dito sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan.

Kuwento ng kanyang ama, posibleng may kaaaway ang kanyang anak.

Bago ang pamamaslang ay may nabanggit na ang biktimang si Kenneth Barrozo , alyas Hapon , 29 anyos na residente ng Arellano St Pantal District Dagupan City na di umano’y may nagbanta sa kaniyang buhay.

--Ads--

Agad binawian ng buhay ang biktima matapos pagbabarilin habang natutulog sa gilid ng kaniyang tricycle habang naghihintay ng pasahero.

Sinabi ng mga saksi na nakarinig na lamang umano sila nang magkakasunod ng putok ng baril at nang kanilang tignan ay dito na nila nakitang nakabulagta na sa semento ang biktima na duguan ang katawan.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insedente ang walong basyo ng calibre 45 na baril.

Agad naman umanong tumakas ang suspek lulan ng get away vehicle.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insedente.

Samantala, pinag-aaralan na ang mga kuha sa CCTV na nakakabit sa mga business establishment malapit sa crime scene para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman.