DAGUPAN CITY– Hinikayat ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, ang publiko na makibahagi sa Bombo Medico 2019.
Ginawa ni Sec. Doque ang panawagan sa gitna ng exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan.
Aniya, makakatulong ng malaki para sa mga kababayan nating nangangailangan ng serbisyo medikal ang Bombo Medico kayat dapat ay kanila itong tangkilikin.
Samantala, pinapurihan naman nito ang Bombo Radyo Philippines sa pagsasagawa ng mga social corporate responsibilities bukod sa larangan ng Radio Broadcasting.
Ang Bombo Medico, ay naging isa na sa mga social corporate responsibilities simula ng ilunsad ito ng Bombo Radyo Philippines at taun-taong isinasagawa ng simultaneous o sabay-sabay sa boung bansa kung saan naroroon ang 24 key areas na mayroong Bombo Radyo at Star FM stations.
Katuwang ng himpilan ang DOH, mga volunteer doctors, pharmacist, dentist, Opthalmogist, nurses at iba pang medical staff sa pagbibigay ng serbisyo medical tuwing Bombo Medico gayundin din ang ilang mga pribadong indibidwal na sumusuporta sa programa sa pamamagitan ng pagdodonate ng mga gamot.