Tiniyak ng Dagupan City Pnp na magpapatuloy pa rin ang kanilang isinasagawang imbistigasyon kaugnay sa pamamaslang sa 18 anyos na dalaga na natagpuan sa isang madamong bahagi sa Bonuan Blue Beach Subdivision dito sa lungsod ng Dagupan.
Sa isinagawang press conferrence ng kapulisan, sinabi ni Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr., hepe ng Pnp Dagupan na bagama’t nahuli na ang suspek na gumawa ng karumal dumal na krimen, ay ipagpapatuloy pa rin nila ang pagiimbistiga sa nasabing kaso.
Aniya, hindi kasi nangangahulugan na isasara na ang kaso dahil lamang sa napasakamay na nila ang suspek.
Paliwanag ng opisyal, kelangan umano nilang masiguro na wala na itong iba pang nabiktima na kahalintulad ng napaulat na ‘sexual assault’.
Matatandaan na walang awang pinaslang ang 18 anyos na biktima na si Bernadeth Saplan isang engineering student sa kilalang unibersidad dito sa lungsod ng Dagupan.
Natukoy naman kalaunan ng mga otoridad ang suspek na si Jeric Pagaduan Gonzales, 23 anyos na residente rin sa nabanggit na syudad na ngayon ay nahaharap na sa kasong Robbery with Homicide .