Isa sa nakaapekto sa pagbaba ng presyo ng bangus dito sa lungsod ng Dagupan ang nararanasang madalas na pag-ulan.

Ayon kay Rolly Dulay, Agriculture Technologist dito sa syudad, bukod sa panahon ng harvest season kaya marami ang suplay ng bangus, ay matumal din ang bentahan kaya mababa ang presyo nito ngayon. Mababa rin ang demand ng bangus kapag panahon ng tag-ulan.

Aniya, naglalaro na lamang sa 120 hanggang 125 pesos per kilo ang bangus mula naman sa dati nitong presyo na aabot sa 135 hanggang 140 pesos per kilo.

--Ads--

Iginiit naman ng opisyal na bagamat mura sa ngayon ay wala pa namang mga fish growers ang nakakaranas ng pagkalugi at wala pa silang namomonitor na mas pinili na ibagsak at ibenta na lamang ang kanilang mga isda sa ibang mga bayan dito sa probinsya.

voice of Rolly Dulay

Dagdag pa nito, hindi pa nila masasabi kung hanggang kailan mararanasan ang mababang presyo ng bangus at maari lamang na gumalaw ang presyo nito kung may mga holidays at kung magkaroon ng mababang suplay ng bangus. with reports from Bombo Marianne Esmeralda