Pumalo na sa sampung piso hanggang bente pesos ang ibinaba ng presyo ng bangus na ibinibenta sa mga pamilihan dito sa lungsod ng Dagupan.

Mula sa dating P140-160 na presyo nito kada kilo, nasa P110 hanggang P120 na lamang ngayon.

Ayon sa City Agriculture Office ang pagbaba ng presyo ng naturang isda ay bubnsod umano ng sobrang suplay nito. Sabay sabay kasi umanong inaani ng mga fish grower ang kanilang isda tuwing buwan ng Hunyo.

--Ads--

Matatandaan na Setyembre noong nakaraang taon ng maitala ang pinakamataas na presyo ng bangus kung saan umabot sa P160 hanggang P180 ang wholesale na kada kilo nito.

Tiniyak naman ng Agriculture Office na walang problema sa suplay ng bangus mula sa lungsod dahil hindi naman apektado ng sama ng panahon ang mga palaisdaan.