Ikinatuwa ng tanggapan ng Comelec dito sa lungsod ng Dagupan ang almost 100% na bilang ng mga kandidatong nakapag sumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Sa katunayan ayon kay Dagupan Comelec Officer Atty. Michael Sarmiento, eksaktong alas singko bente ng hapon ngayong araw tuluyan ng inihinto at isinara ang pagtanggap ng SOCE. Mula sa 24 na bilang ng mga kandidato na nag file ng kanilang COC o Certificate of Candidacy para sa 2019 National and Local Elections, mayroong 22 na nakapag sumite ng SOCE.

Giit ni Sarmiento, ang dalawang kandidato na bigong makapag sumite sa kanilang tanggapan ay hindi na nila bibigyan ng pagkakataon sa kadahilanang hindi na sila otorisado para tumanggap pang muli ng late submission ng SOCE.

--Ads--

Aniya, wala silang nakikitang butas para sila’y sisihin ng mga kandidato lalo na ng mga bigong makapag submit dahil dalawang notice o abiso na ang kanilang naipaabot kasabay ng pagbibigay ng mga ito ng 30 days period sa bawat kandidato para makapag hain ng SOCE.

Hindi din nakaligtas ayon sa opisyal sa mga negatibong komento ng ilang mga kandidato ang kanilang tanggapan dahil di umano sa pagiging komplikado at dami ng mga forms na dapat isumite pero gayunpaman, dahil sa maagang konsultasyon ng karamihan, nabigyan din sila ng sapat na tulong at payo kung papaano iaaccomplish ang SOCE. with reports from Bombo Lyme Perez