Wala ng buhay nang matagpuan ang isang babae sa isang abandonadong gusali sa Tongling compound, Brgy. Poblacion sa lungsod ng Alaminos.
Sa inisyal na imbistigasyon, natagpuan ng isang maglalako na si Lito Payas, 47 anyos ang biktima na si Mary Grace Alcantara, 43 anyos, at residente ng Brgy. Pocal Pocal na wala ng buhay sa isang abandonadong gusali sa bayan.
Sa naging salaysaly ni Payas, nagpunta umano siya sa lugar upang tignan ang kalagayan ng biktima subalit hindi na ito tumutugon sa mga tanong sakanya at dito na nga ito natagpuan na wala ng buhay.
Naniniwala naman ang kanyang ilang kaanak na posibleng nasawi ito dahil sa sobrang kalasingan at kawalan ng pagkain sa nakalipas na mga araw.
Nagsasagawa ng imbistigasyon ang mga otoridad upang malaman ang naging dahilan ng kanyang naging kamatayan.
Nakatakdang isailalim sa Post Mortem Examination ang katawan ng biktima.