Bukod sa pagkakasangkot sa partisan politics, nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na sasampahan din nila ng kaukulang kaso ang mga opisyal ng barangay na hanggang ngayon ay wala pa ring Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Ito mismo ang inihayag sa Bombo Radyo Dagupan ni DILG Undersecretary Martin Diño.
Ayon sa opisyal, kasong administratibo ang pweding ipataw sa mga lokal na opisyales na hindi nag-organisa ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa kanilang mga hurisdiksyon.
Giit pa ni Diño, limang taon na ang BADAC na itinatakda aniya ng batas kaya walang dahilan ang sinumang barangay para hindi makapag-comply dito.
Paulit-ulit naman ang DILG sa pagsasabi sa mga barangay officials na magtayo ng BADAC, lalo na ang mga barangay na malala ang problema laban sa illegal na droga.WITH REPORT FROM BOMBO BADZ AGTALAO