DAGUPAN CITY– Hindi na kataka-taka ang isyu ng vote buying sa Kongreso.

Ito ang inihayag ni Prof. Mark Anthony Baliton, kilalang political analyst dito sa lalawigan ng Pangasinan, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay ng napaulat na naglalaro sa P500,000 hanggang P1 million ang halaga ng isinusuhol sa mga Kongresista ng mga nais na maupong House speaker.

Aniya, hindi na ito bago sa bansa lalo at ang naturang posisyon na pinag-aagawan ay makapangyarihan.

--Ads--

Dagdag pa ni Prof. Baliton, bagamat mistulang nakakagulat ang napapaulat na balita na tila daig pa ng mga Kongresista ang mga kilalang business tycoon sa bansa sa dami ng pera nilang ipambibili ng boto, malaki naman aniya ang balik nito sa kanila kapag nakuha nila ang inaasam na house speakership.