Patay ang mag-asawa habang kritikal ang kanilang anak matapos salpukin ng SUV ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Magallanes Bridge sa bayan ng Tayug lalawigan ng Pangasinan.

Sa lakas ng salpukan, napitpit at pumailalim pa sa SUV ang motorsiklo.

Patay ang driver ng motorsiklo na si Henry Villanueva at asawa niyang si Rosie na tumilapon at nahulog mula sa tulay.

--Ads--

Kritikal naman ang isang taong gulang nilang anak na si Prince Hannese na hawak ng kanyang ina habang angkas ng motorsiklo.

Nadala pa sila sa ospital subalit, kalaunan ay namatay ang mag-asawa.

Ayon sa imbestigasyon, magkasalubong ang direksyon ng dalawang sasakyan.

Unang nasagi ng SUV ang motorsiklo na nasa unahan ng sinakyang motorsiklo ng mga biktima.

Nawalan ng control sa manibela ang driver ng SUV kaya sumalpok sa kanila

Aminado naman ang driver ng SUV na si Mark Anthony Magat na nakainom siya nang mangyari ang aksidente.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng SUV.