Students attend a flag raising ceremony before singing the national anthem at a government school in Manila on June 2, 2014. The 2014-15 school year officially opened on June 2 with up to 20 million students trooping to public elementary and high schools. AFP PHOTO / Jay DIRECTO

Nakahanda na ang Philippine National Police o PNP Region 1 sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 3.

Ayon kay Police Regional Office 1 Information Officer P/Lt. Col. Mary Crystal B. Peralta , mula election mode, lilipat na ang kanilang atensyon sa pagbabalik paaralan ng mga estudyante.

Aniya, magiging mahigpit umano ang kanilang himpilan sa pagbabantay at pagpapatupad ng mga batas at alituntunin na makakatulong upang matiyak ang seguridad ng mga mag-aaral ngayong darating na pasukan.

--Ads--

Kasado na aniya ang kanilang plano para sa darating na pabubukas ng klase tulad na lamang ng pagtatayo ng mga police assistance desk at ang mga dagdag na pulis na roronda malapit sa iba’t ibang paaralan.

Hinimok naman ng opisyal ang publiko na maki­pagtulungan sa mga awtoridad at i-report kung may mga kahina-hinalang individual silang napapansin sa kanilang lugar.//with report from Bombo Badz Agtalao