Nanawagan ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) sa mga malalaking unibersidad na isulong pa rin ang pagtuturo ng Filipino subject sa kolehiyo kahit pa naging pinal na ang desisyon ng Korte Suprema na tuluyang tanggalin mula sa mga “required” na asignatura sa kolehiyo ang Filipino at Panitikan.

Ayon kay Purificacion Delima, komisyoner sa programa at proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino, bagama’t pinal na ang naging desisyon ng pamahalaan, ay gagawa pa rin umano sila ng hakbang na maaaring makatulong upang makilala ang wikang Filipino.

Bukod pa rito, tutulungan din aniya nila ang daan daang guro na posibleng mawalan ng trabaho dahil sa naging hakbang ng gobyerno.

--Ads--

Sa ngayon ay naghahanda na umano sila ng mga programa at seminar para sa mga guro na makatutulong upang mas magamit pa ang mga ito sa pagtuturo, hindi lamang sa Filipino subject kundi maging sa iba pang aralin. with report from Bombo Badz Agtalao