Nanawagan ang mga tobacco farmers dito sa Rehiyon Uno lalo na sa mga mambabatas na ikunsidera ang kapakanan ng mga magsasaka bago ipasa ang panukalang magtataas sa buwis na ipapataw sa mga produktong tabako.
Ayon kay Bernard Vicente presidente ng National Federation of Tobacco Farmers and Cooperatives dapat umanong maglaan ng “safety nets” para sa mga magsasaka mula sa masingil na “sin tax” para matulungan sila sa mga pangangailangan sa pagtatanim ng tabako bagama’t kailangan din ng pamahalaan ang dagdag na pundo para sa mga serbisyo at proyekto na babalik din sa mga mamamayan.
Aniya, bukod kasi sa posibilidad ng pagkalugi sa mga tobacco farmers, maaari din umanong maparalisa ang industriya ng tabako sa bansa dahil lamang sa porsi porsyentong pagtaas sa excise tax.
Nagpahayag naman si Vicente ng pagkadismaya sa hanay ng Department of Agriculture pati na sa National Tobacco Administration dahil umano sa kabiguan na idepensa ang mga ito hinggil sa naturang usapin. with report from Bombo Badz Agtalao