Hindi na umano pumapasok sa trabaho ang ilang mga POSO enforcer dito sa lungsod ng Dagupan.

Kinumpirma ni POSO chief Carlito Ocampo  na nabawasan ang mga traffic enforcer sa kalsada, pero hindi sila tinanggal kundi sila na mismo ang hindi na pumasok sa kanilang trabaho matapos ang  May 13, eleksyon.

Ang epekto ng hindi pagpasok ng mga traffic  enforcer  para magmando sa lagay ng trapiko  sa mga pangunahing kalsada ay wala ng  sumisita sa mga pasaway na motorista na lumalabag sa batas trapiko at  nakakaranas din ng pagsikip ng trapiko   lalo na sa pagsapit ng ala-5 ng hapon  dahil uwian ng mga nagtratrabaho.

--Ads--

Nabatid na hanggang June 30, 2019 ang kontrata ng mga traffic enforcer.

PInaniniwalaang nangangamba silang  hindi na ma irenew ang kanilang kontrata sa napipintong pagpapalit ng administrastyon.